493

Jan 10, 2020 @ 11:31
By

Pulis hinablot ang phone, binura ang video ng GMA reporter

“Burahin mo, burahin mo kuha ni Jun Veneracion. P*tangina nagku-kwan eh,” – ang pahayag ng isang lalaki sa dulo ng video kung saan nakuhanan ni GMA journalist Jun Veneracion ang panggigitgit ng pulisya sa isang deboto sa Traslacion 2020 nitong Huwebes.

Sa social media kinwento ni Veneracion kung paano hinablot diumano ni Southern Police District (SPD) chief Police Brigadier General Nolasco Bathan ang kanyang cellphone.

“While taking footage on my phone of a commotion between cops and a hapless Black Nazarene devotee on Ayala Bridge in Manila, a police general suddenly darted out of nowhere and snatched my mobile unit. He quickly moved away from the scene,” hayag ni Veneracion sa Facebook kagabi, Enero 9.

Tinanong ng reporter kung bakit kinuha ng pulis ang kanyang phone, ngunit “galit na galit” umano si Bathan at “nagbanta pang kukumpiskahin ang hand-held radio” niya, kaya lumayo muna si Veneracion.

Nang balikan ng journalist ang pulis, sinabi sa kanya: “pasensya ka na, Jun, hindi kita nakilala,” at binalik ang cellphone.

Doon na umano nakita, at tinanong ni Veneracion kung bakit burado na ang video ng engkuwentro ng mga pulis sa pinosasang deboto.

“Wala akong binura dyan, saksi ko pa ang Itim na Nazareno,” sabi umano ng hepe.

Sa ngayon, hindi pa rin malinaw kung bakit pinosasan ang nakuhanang deboto.

Pinabatid na rin umano ni Veneracion kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang insidente, na nangakong iimbestigahan ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?