33

Nov 7, 2020 @ 16:01
By

Pulis, dyowa na suspek sa pagkamatay ng Cameroon national hinahanting

Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office chief Police Major General Debold Sinas ang manhunt operation laban sa dalawang suspek sa pagkamatay ng isang Cameroon national sa Arnaiz Avenue, Roxas Boulevard Service Road sa Pasay City.

Binaril hanggang mapatay ang Cameroon national na si Divine NJua Komfun o James alas-11:28 ng gabi noong October 26 sa harap ng isang convenience store sa Arnaiz Avenue.

Kinilala ang mga suspek na si Police Corporal Leonel Abellera Layson at umano’y nobya niyang si Katrina Fernandez, kapwa nasa hustong gulang.

Nakatalaga si Layson sa Sub-Station 6 ng Muntinlupa City Police Station.

Nanawagan si Sinas sa publiko na agad i-report sa mga awtoridad ang anumang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Layson at nobya niya para mabigyan ng hustisya ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?