75

Dec 29, 2017 @ 15:50

Pulis dinukot ng mga NPA sa North Cotabato

Kinidnap diumano ng pinaghihinalaang New People’s Army ang deputy chief of police ng bayan ng President Roxas sa North Cotabato.

Ayon sa report, tinangay ng mga rebeldeng komunista si Inspector Menardo Cui Sr. na noon ay nasa loob ng HMB KTV Bar and Lodging House, lna matatapguan sa boundary ng Barangays Tuael at Poblacion dalong alas-8:30 ng gabi noong Huwebes.

Off duty ang pulis nang dukutin ng mga NPA.

Dalawang armadong lalaki ang pumasok sa bar habang nakikipag-inuman at nakikipag-videoke ang biktima kasama ng kaibigan nitong lalaki at dalawang babae.

Habang nakatutok ang baril, pinasakay ng mga rebelde si Cui sa isang motorsiklo at dinala ng mga rebelde si Cui sa kagubatan malapit sa bayan ng Magpet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?