61

By

Pulis-Caloocan sa Oplan Galugad shootout, ni-relieve sa puwesto

Sharing is caring!

Na-relieve o pansamantalang inalis sa kani-kanilang puwesto ang mga pulis-Caloocan na umano’y nasa likod ng pagkamatay ng isang lalaking kasamang sinita dahil sa hindi pagsusuot ng pang-itaas na damit na malinaw na paglabag sa ordinansa ng lungsod sa pag-uutos na rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, Director Oscar Albayalde kahapon ng umaga.

Binigyan na umano ni Albayalde ng ‘go signal’ si Caloocan City Police Chief, Senior Superintendent Jemar Modequillo na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing pagpatay, at kung may iregularidad umanong nagawa ang mga pulis na hindi na muna pinangalanan ay sasailalim ang mga ito sa pre-charge evaluation.

Kaugnay ito ng insidenteng napatay umano si Mario Balagtas, alyas Choy, 32-anyos, matapos umanong tumakbo at paputukan ang mga pulis nang sitahin siya sa Oplan Galugad noong Biyernes sa Pechayan Street, Barangay 178, Camarin dahil nakatambay na walang suot na pang-itaas na damit na paglabag sa ordinansa ng lungsod.

Taliwas sa salaysay ng mga residente sa lugar, may isa umanong nakasaksi sa kanila na hindi nanlaban si Balagtas at nagmakaawa pang huwag saktan nang pagbabarilin ng mga pulis.

Samantala, ayon sa pulisya, dati nang nakulong si Balagtas dahil sa pagkakasangkot sa robbery-hold up na siya pa umano ang lider at pagbebenta rin ng iligal na droga at nang makalaya ay bumalik umano sa mga iligal na gawain. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?