224

Dec 21, 2020 @ 8:58
By

Pulis binoga mag-ina sa harap ng kanyang anak

Utas ang dalawang mag-ina matapos barilin ng isang pulis Parañaque sa Purok 2, Barangay, Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac, Linggo ng hapon.

Kinilala ni Rosales Police Station chief-of-police P/Maj. Fernando Fernandez Jr., ang suspek na si P/Special Master Sgt. Jonel M. Nuezca, 46, kasalukuyang nakadestino sa Parañaque City police Crime Laboratory, tubong Purok 2, Brgy. Cabayaoasan, Paniqui ng nasabing lalawigan.

Samantala, ang mag-ina na kaagad namatay ay nakilalang nina Sonya R. Gregoria, 52 at anak nitong si Frank Anthony Gregorio, 25, pawang taga Purok 2, Barangay Cabayaoasan ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, ayon sa RPS, nangyari ang insidente alas-5:10 ng hapon noong Linggo sa bakanteng lote ng nasabing barangay.

Sa mainitang pagtatalo ng dalawang pamilya na halos hindi na maawat ang mag-inang Gregorio, dito binaril ni Nuezca sa mga ulo ang mag-ina sanhi ng kanilang agarang pagkamatay.

Sa nasabing insidente, naroon din ang anak ng naturang pulis nang gawin ang pamamaril.

Tumakbo si Nuezca at dumiresto sa presinto ng Rosales para sumuko.

Kasong double murder ang isinampang kaso sa suspek at siya inilipat sa Paniqui Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?