84
Dinagat board member patay sa pamamaril
Jan 4, 2020 @ 15:53
By

Pulis binaril ang kapwa pulis, arestado

Swak sa kulungan ang isang pulis matapos umano nitong barilin ang kapwa niya parak sa Purok Paghiliusa, Barangay Fabrica, Sagay City, Negros Occidental.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente noong Enero 2 ng alas-10:10 ng gabi.

Nag-inuman ang biktimang si Patrolman Axel Lago at suspek na si Corporal Elver Dela Cruz na nauwi sa pagtatalo.

Hindi pa batid kung ano ang pinag-awayan ng dalawang magkaklase pa umano sa kolehiyo.

Nagtamo si Lago ng tama ng bala sa likuran at dinala sa isang ospital sa Bacolod.

Naaresto naman si Dela Cruz at narekober sa kanya ang isang .9mm pistol.

Nakakulong na ang suspek sa Sagay City Police Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?