16

Sep 27, 2020 @ 18:51
By

Pulis bantay-sarado na mga bar, beer house

Napuno na ang pulisya sa patuloy na pagpapasaway ng ilang bar na tumatanggap ng mga customer sa kabila ng general community quarantine.

Kaya naman pinag-utos ng Joint Task Force Shield against COVID-19 sa bawat pulis na magmanman na sa mga bar at beer house para mabantayan ang mga posibleng paglabag sa quarantine protocol.

Pinagbabawal pa rin ang pagbubukas ng mga bar sa ilalim ng GCQ, ngunit ilan ang pinapayagan ng mga local government unit na tumanggap ng customer basta’t sumusunod sa curfew at may tinakdang bilang ng puwedeng orderin na alak.

Paliwanag ni JTF COVID Shield commander Guillermo Eleazar, ang naturang pagbabantay ng pulis ay para maiwasan ang pagkalat ng virus.

“There were already instances in the past of drinking sessions leading to mass infection. As responsible business people, they should follow the existing rules so that they will not add to the coronavirus infection problems,” saad ni Eleazar.

“And as responsible citizens, people should not really go to these places if they are mindful of their own and their family’s protection from the infection,” aniya pa.

Matatandaan na nitong Sabado lang ay nahuli ang halos 100 katao sa loob ng Guilly’s bar sa Tomas Morato, Quezon City kaya’t pinag-utos ang pagpapasara dito.

30 Chinese naman ang nadampot sa Makati dahil din sa pag-party sa isang bar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?