213

Oct 20, 2020 @ 18:17
By

Pulis, babae na nareklamo sa Tulfo, todas sa presinto

Patay ang isang pulis at umano’y kalaguyo nito matapos na makarinig ng putok ng baril mula sa presinto sa Talisay City, Cebu.

Ayon sa police report, nakita ang bangkay nina Police Lt. Praxilo Albiso at Vernice Cardino na may tama ng bala sa ulo sa presinto ng Brgy. Bulacao.

Posible umanong binaril ng tatlong ulit si Cardino, 31, bago nagpakamatay ang pulis na station commander ng Talisay City Police Station.

Dati nang naungkat ang ugnayan ng dalawa matapos na ireklamo sila ng mister ni Cardino sa show ni Raffy Tulfo dahil sa umano’y relasyon sa pulis.

Dinala pa sa ospital ang dalawa ngunit dineklara din itong wala nang buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?