42

Feb 28, 2018 @ 17:59

Pukol ni Dwyane Wade tumapos sa Sixers

Nagsalansan ng season-high 27 points si Dwyane Wade, huli rito ay isang jumper may 5.9 segundo na lang ang nalalabi, na nagbigay sa Miami ng una nilang kalamangan sa fourth, sapat para padapain ang Philadelphia 76ers, 102-101, nitong Martes (Miyerkoles, oras sa Pinas).

Nakagawa ng 15 points si Wade sa fourth quarter.

Tumulong din sa Heat si Goran Dragic ng 21, nakakuha ng 16 kay Tyler Johnson at 15 points at 11 rebounds naman mula kay Hassan Whiteside.

Lumamang pa ng 10 na puntos sa fourth ang Philadelphia at may tiyansa pa sanang maiuwi ang panalo sa pagtunog ng buzzer pero nagmintis ang tira sa tres ni JJ Redick.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?