135

Mar 19, 2020 @ 20:00
By

PUI namatay habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 test

Patay noong Miyerkoles ng hapon ang isang patient under investigation dahil sa coronavirus disease o COVID-19 sa Regional Medical Center (RMC), ayon sa Pangasinan Provincial Health Office (PPHO).

Ayon kay PPHO Officer Anne de Guzman, ang namatay na pasyente ay isang 68-anyos na galing sa Amerika.

Sinabi ni De Guzman, ang pasyente ay namatay habang hinihintay niya ang laboratory test na isinasagawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ayon sa opisyal, ang katawan ng pasyente ay sinunog (cremated) dahil na rin sa rekomendasyon ng mga lokal na health officials.

“There is a delay in the laboratory test results because of the volume of swab samples being tested at the [RITM], and we can’t wait until we receive the results before we start contact-tracing,” ani De Guzman.

Aniya, ang medical test ay karaniwang naisasaga lamang ng 48-oras ngunit ngayon ay umaabot na lima hanggang anim na araw.

“If the result turns out to be positive, we will list her as the first COVID-19 case in the province. But as of now, Pangasinan is still COVID-19-free,” saad ni De Guzman.

Base sa medical report, sinabi ni De Guzman na ang pasyente ay mula sa Rosales, Pangsinan, na nagkaroon ng simtomas ng respiratory tract infection gaya ng ubo, sipon at lagnat ay agad na dinala sa isang ospital sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ngunit noong nalaman ng mga medical expert ang kanyang travel history, agad itong inilipat RIMC sa Dagupan City kung saan siya ang namatay ng kulangna 24 oras.

Ayon kay De Guzman, mula U.S., ang nasabing pasyente ay bumiyahe ng Iloilo at Cebu at bumalik ng Rosales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?