203

Nov 2, 2017 @ 14:57

Puganteng preso, balik-kulungan sa Laguna

Pasado hatinggabi kahapon nang maipasok muli ng Laguna Provincial Jail ang tumakas na detenido kasabay ng jailbreak noong nakaraang araw ng Linggo.

Ayon kay Rommel Palacol, hepe ng Laguna Action Center, bago ibinalik sa kulungan si Verjust Dizon ay idinaan muna ito sa Laguna Provincial Police Office ng mga tauhan ng Sta. Maria, Bulacan police.

Sumuko si Dizon sa hepe ng pulisya ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Ikinuwento nito na bago ang komosyon sa loob ng piitan, nasa visitor’s area siya at hinihintay ang kanyang dadalaw na anak.

Nang marinig niya ang putok ng baril ay tumakbo na siya palabas ng kulungan.

Aniya, sumuko siya dahil sa pangamba na madamay sa ginawa ng mga tumakas na limang detenido at sumabit sa pagkamatay ng jail guard.

Tatlo na lang sa mga nakatakas ang pinaghahanap matapos mahuli noong Lunes sa Imus, Cavite ang dalawa sa kanila. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?