32
arrested
Oct 17, 2017 @ 14:44

Puganteng Koreano na sangkot sa droga, dinakip ng BI

Isang Korean na wanted sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot sa benthan ng droga inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU) sa Barangay Cuayan sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat na ipinadala ng BI sa Department of Justice, kinilala ang puganteng dayuhan na si Noh Jun Ho na nahaharap sa kasong paglabag sa “The Narcotics Control Act” sa South Korea.

Nadakip ang suspek sa pakikipagtulungan ng Korean National Police Agency (KNPA).

Ikinasa ang operasyon kahapon (October 17) dahil si Noh ay isang undocumented alien at itinuturing na banta sa kaligtasan at seguridad ng publiko dahil sa pagiging fugitive from justice batay na rin sa opisyal na komunikasyon mula kay Consul at Police Attache Lee Soo Bok ng Embassy of the Republic of Korea.

Si Noh ay nasa ilalim na rin ng Red Notice ng Interpol o Intertional Police Organization.

Nabatid na noon pang October 16, 2016 nang mapawalang bisa ang pasaporte ni Noh.

Ikukulong si Noh sa BI Warden Facility sa Lungsod ng Taguig.

Nakatuwang ng BI-FSU sa pagdakip kay Noh ang KNPA sa pamumuno ng kanilang liaison officer na si Chief Inspector Choi Koya. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?