15

By

Puganteng dayuhan nasakote ng QCPD

Naaresto ng mga awtoridad ang isang Indian-Singaporean national na matagal nang wanted sa Quezon City, Miyerkoles ng tanghali.

Kinilala ang suspek na si Arvindt Arasu, 29, residente ng Guyabano St., Brgy. 170 Deparo 2, Caloocan City.

Ayon kay QCPD District Mobile Force Battalion PLTCOL. Rodrigo Bauto Jr., ang suspek ay inaresto alas-12:25 ng tanghali (Agosto 14)sa Novaliches, Quezon City.

Dinakip ang dayuhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Marie Claire Victoria Mabutas-Sardon ng Antipolo RTC Branch 97 dahil sa kasong large-scale illegal recruitment at estafa.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng dayuhan.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Criminal Investigation and Detection Unit headquarters habang hinihintay ang commitment order ng hukuman laban sa kanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?