102
rodrigo-duterte-
By

Pugad ng rebelde na Masbate, isasailalim sa land reform

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Agrarian Reform Sec. John Castriciones na isailalim sa land reform ang Masbate.

Ang direktiba ay ginawa ng Pangulo sa kanyang talumpati sa “Negosyo Serbisyo sa Barangay” ngayong Miyerkoles ng gabi sa Masbate.

Ayon sa Pangulo, uubusin niya ang natitirang tatlong taon ng kanyang termino para isailalim sa land reform ang lahat ng lupa ng gobyerno.

Naniniwala ang Presidente na isa sa mga dahilan ng patayan at pananambang sa mga pulis ng mga rebelde ay dahil sa kawalan ng lupa ng mga ito.

Hindi aniya matatapos ang away kung idadaan sa bala dahil matagal nang nagdusa ang mga tao.

“Nandito ba si Castriciones? Is he here? Sabihin mo sa kanya na pumunta siya dito. Tingnan niya ang Masbate, i-land reform niya ang lahat. I-land reform ko ang Masbate, maniwala kayo. Itaga ninyo sa bato ‘yan, with or without the communists, we can, meron pa akong three years, uubusin ko itong Pilipinas. Uunahin ko ‘yung gobyerno,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na aatasan niya si Castriciones na pag-aralan ang mga lupang dapat isailalim sa land reform.

“Hoy kayong mga NPA maghanap kayo, babalik ako dito at sasabihin ko sa Secretary ng DAR, Castriciones pag-aralan mo kasi ibigay natin lahat. Pagkatapos ng termino ko lahat ng mga lupa ng gobyerno naibigay na,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?