68

Nov 27, 2017 @ 20:12

Puerto Princesa Mayor Bayron, pinarangalan ng DILG

Nakatanggap si Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron ng “Seal of Good Local Governance” (SGLG) mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa loob ng dalawang magkasunod na taon, isang magandang simbolo ng kanyang bukod-tanging pamumuno at pamamahala sa lungsod.

Si Bayron, kasama ang 20 iba pang local chief executives sa Region IV-B (MIMAROPA), ay isa sa mga nangunguna sa 448 na nagwagi sa SGLG contest para sa taong 2017. Ang parangal ay kasunod ng DILG’s SGLG national award na kanyang nakamit noong 2016.

Sa may kabuuang bilang na 1,725 local government units (LGUs) sa bansa, ang mga nagwagi sa 2017 SGLG awards, kabilang si Bayron at ang kanyang administrasyon, ay kahanga-hangang naipasa ang mas pinataas na criteria para sa patimpalak ngayong taon.

Ito ay ang ‘financial administration’ (kabilang ang pagsasanay sa accountability/transparency sa pamamagitan ng pagsunod sa mga standard ng accounting at auditing at full disclosure compliance, good financial housekeeping/performance) at ‘disaster preparedness’ (sumasaklaw sa produktibong aksyon ng LGU sa kahandaan nito para sa mga sakuna).

Kabilang din ang ‘social protection’ (aksyon ng lungsod sa mga pangangailangan ng mga dehadong sektor: babae, mga bata, mga matatanda, indigenous people, may mga kapansanan, at serbisyo para sa mga mahihirap na sumasaklaw sa kanilang pangangailangan), at ‘peace & order’ (sumasaklaw sa pagsisikap sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan).

Salaysay ni Bayron sa isang pahayag, naipasa ng kanyang administrasyon ang ‘parameter’ sa lahat ng sumusunod na importanteng bahagi katulad ng business friendliness/competitive (magdala ng oportunidad sa business/employment; environment management (pangangalaga sa integridad ng kapaligiran at tourism, culture & the arts (pagsisikap na i-promote/development ang turismo ng lungsod).

Ayon kay DILG officer-in-charge Catalino Cuy, ang mga pumasa at nanalo ay pagkakalooban ng SGLG marker na ilalagay sa kanilang provincial city at municipal halls, at performance challenge fund (PCF), ilang milyong insentibo na gagamitin para sa mga local development project.

Nabatid na noong 2016, 306 LGUs lamang ang nakakuha ng marka at napagkalooban ng SGLG. Ngayong taon, ang ilan sa 448 LGUs sa bansa ay naabot ang marka at naparangalan. (Dolly B. Cabreza/with trainee Bridgette Caminoc)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?