12
baguio-dot
By

Puerto Galera, Baguio target ding i-rehab ng DOT

Sharing is caring!

Tututukan na rin ng Department of Tourism (DOT) ang sitwasyon sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro at Lungsod ng Baguio na sikat ding puntahan ng mga turista.

Ayon kay DOT Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, makikipag-ugnayan sila sa mga lokal na opisyal sa Puerto Galera para mainspeksyon ang mga beach resort doon.

Nauna nang iniutos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paggiba sa hindi bababa sa 13 establisimyento sa Puerto Galera dahil sa paglabag sa coastal easement zone.

Sampu sa mga establisimiyento na lumabag sa easement zone ay mula sa diving site na Sabang habang tatlo naman ay mula sa White Beach area.

Samantala, sinabi naman ni DOT Secretary Wanda Teo na maging ang Lungsod ng Baguio ay pinag-aaralan na nilang isailalim sa rehabilitasyon.

Nais umano nilang malaman ang tinamong environmental damage ng Baguio na itinuturing na summer capital ng bansa.

Nauna nang tinukoy ng World Health Organization noong 2014 na ang Baguio ang may pinakamalalang problema sa polusyon sa hangin sa bansa, pero ayon sa
Cordillera Environment Management Bureau, ang kalidad ng hangin sa Baguio ay unti-unti nang bumubuti batay sa kanilang datos noong December 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?