46

By

Puentevella asar kay Goma, lifters hinarang sa Asiad

Sharing is caring!

Hindi pa nga nakakasiguro kung makakahakot ng gold medal sa 18th Asian Games ay nagsimula na agad ang angasan sa pagitan ng mga opisyales ng mga national sports associations (NSA) at ang liderato ng Philippine Olympic Committee (POC).

Agad umusok ang maanghang na bangayan sa ipapadalang mga atleta sa 18th Asian Games matapos iwanan ang medal potential na weightlifters habang isinama ang Philippine women’s volleyball team sa pambansang delegasyon na lalahok sa kada apat na taong kumpetisyon sa Palembang at Jakarta sa Indonesia.

Kinuwestiyon ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president at dating POC chairman na si Monico Puentevella ang hindi pagsama sa kanyang mga weightlifter na mas malaki pa ang tsansang makahablot ng medalya kung ikukumpara sa volleyball squad na pinayagan ni Team Pilipinas chef de mission Richard Gomez.

“Why is he (Gomez) denying my weightlifters’ inclusion in the Asian Games lineup when he strongly proposed the inclusion of women’s volleyball? My weightlifters have better chances of winning medals in the Asian Games than the volleyball team,” bulalas ni Puentevella.

Nais ni Puentevella na magpadala ng pitong weightlifters sa Indonesia Asian Games sa pangunguna ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz at Olympian Nestor Colomia kasama sina Kristel Macrohon, Ellen Rose Perez, Maria Desa Delos Santos, Elreen Ann Ando at Jeffrey Garcia.

Gayunman, inilista lamang ng POC para sa weightlifting ang dalawang silya sa Asiad na ang isa ay sigurado kay Diaz dahil pasado ito sa itinalagang criteria at kwalipikasyon para makasama sa delegasyon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?