28

Sep 15, 2021 @ 11:56
By

Publiko pinag-iingat sa posibilidad ng terror attack

Pinag-iingat ng Malacañang ang publiko na mag-ingat sa posibleng pag-atake ng mga terorista.

Kasunod ito ng inilabas na babala ng bansang Japan kung saan pinag-iingat ang mga mamamayan sa buong Southeast Asia dahil sa posibleng terror attack.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mahalagang mag-ingat ang mamamayan para makaiwas sa posibleng peligro.

“Pinag-iingat natin ang lahat ng ating kababayan alinsunod dito sa warning na ito at sana huwag mangyari dahil dagdag na naman yan sa ating problema bukod pa sa pandemya at mga bagyo,” ani Roque.

Pinayuhan ng kalihim ang publiko na maging alerto at mapagmasid at ireport agad sa mga awtoridad ang mga mapapansing kahina-hinala sa kanilang komunidad.

“Kinakailangan maging listo po tayo, tingnan natin ang mga kahina-hinalang bagay, ipagbigay natin sa mga pulis lalo na yung mga packages na iniiwan. Importante na tayo po ang mag-police sa ating lipunan upang maiwasan ang terroristic attacks,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?