12

By

Publiko, pinag-iingat laban sa expired na pagkain

Sharing is caring!

Pinayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na maging mapanuri sa mga bibilhing pagkain ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.

Nagbabala ang FDA dahil may ilan umanong negosyante ang sinasamantala ang Pasko sa pagbebenta ng expired na pagkain.

Ani FDA Director General Nela Charade Puno, masama sa kalusugan ang expired na pagkain na maaaring magresulta ng pananakit ng tiyan, pagtatae, pagsusuka at pagkalason.

Ito’y matapos makumpiska ang nasa P127,000 halaga ng sari-saring expired na pagkain sa Quinta Market sa Quiapo, Manila noong Nov. 27.

Kabilang dito ang queso de bola, margarine, cube flavoring, spaghetti sauce, sweet tomato catsup at cheese spread.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }