20

Oct 12, 2021 @ 16:15
By

Publiko pinag-iingat kay ‘Maring’

Pinag-iingat ng Malacañang ang publiko sa posibleng peligro na idulot ng bagyong Maring lalo na sa ilang bahagi ng Luzon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakamonitor ang Malacañang sa ginagawang rescue operations ng mga otoridad sa mga lugar na sinagasa ng bagyo sa Regions 2 at 8.

“We ask the public to continue the precautionary measures, observe minimum public health standards, and cooperate with their respective local authorities in case of evacuation,” ani Roque,

Kumilos na aniya ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection para tulungan ang mga mamamayang naapektuhan ng bagyo.

Sinabi ni Roque na nakahanda ang standby funds ng Department of Social Welfare and Development na mahigit P128 million bilang pang-alalay sa mga biktima ng bagyong Maring bukod pa sa family food packs na ipapamahagi sa mga naapektuhan ng bagyo na nagkakahalaga ng mahigit P219 million.

Batay sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Palasyo, kumilos na ang mga kaukulang ahensiya para sa clearing operations sa mga naapektuhang lugar at ginagawa na rin ang pagpapanumbalik sa serbisyo ng kuryente at tubig sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Maring.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?