99

Aug 27, 2019 @ 11:24
By

Publiko kailangang tumulong: Lacson susuyurin ang ‘pork’ sa 2020 budget

Hinikayat ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang mamamayan na tumulong sa pagtutok sa babantay sa gagawing deliberasyon sa panukalang P4 trilyong panukalang badyet para sa 2020.

Ayon kay Lacson, anumang tulong mula sa labas ng Kongreso ay malaking paraan para mabunyag at maayos ang ‘pork’ sa panukalang pondo.

“Any technical support from the outside will certainly help in our scrutiny of the 2020 budget books,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter account.

Ang pagsingit aniya ng ilang mambabatas at opisyal ng pork ang siyang dahilan kung bakit naantala ang pagpasa sa nagdaang 2019 budget.

“This is taxpayers’ money we are talking about. We should not allow a greedy few to lay their grubby hands on it, to put it mildly,” din ng senador.

Nauna rito, sinabi ni Lacson na inaasahan niyang magkakaroon ng ‘hide and seek’ sa paghahanp ng pork barrel fund sa panukalang P4.1 trilyong national budget para sa susunod na taon.

“Budget deliberation starts this week in the 18th Congress. It is time to play another protracted game of ‘hide-and-seek’: they hide, we seek,” sabi pa ni Lacson.

Nitong Abril 15 lamang nalagdaan ang 2019 national budget pero ito ay matapos na i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa P93.5 bilyon na alokasyon sa mga kuwestiyunableng pagkakagastusan na una nang nadiskubre ni Lacson.

Nitong nakalipas na Hulyo, inihain ni Lacson ang Senate Bill 24 na naglalayong isabatas na ang partisipasyon ng publiko sa pagtalakay ng Kongreso sa pambansang gastusin. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?