198

Feb 5, 2020 @ 19:08

Publiko inalerto sa ‘crater glow’ sa Mayon Volcano

Matapos ang pagsabog ng Taal Volcano noong nakaraang buwan, pinaaalerto ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang publiko matapos ang nakitang “crater glow” sa Mayon Volcano.

Ayon sa Phivolcs, posibleng dulot ng mainit na magma sa ilalim ng bulkan ang crater glow na tahimik na umaakyat.

Dagdag pa ng Phivolcs, dalawang araw nang naoobserbahan ang crater glow sa bunganga ng bulkan.

“This suggests the possibility that remnant magma may be quietly rising to the shallow levels of the edifice,” sabi ng Phivolcs.

Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 2 o “moderate level of unrest” ang Mayon Volcano.

Huling sumabog ang Mayon na matatagpuan sa Bicol noong 2018

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?