21
ABANTE train rep ariel casilao
By

Publiko, hinimok na sumama sa laban kontra TRAIN

Sharing is caring!

Nanawagan si Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao sa publiko na magpahayag ng mariing pagtutol sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Kasunod ito ng inihaing petisyon ng Makabayan bloc sa Korte Suprema.

Ayon kay Casilao, hindi lang nakadepende sa petisyon ang laban sa tax reform kundi sa nagkakaisang aksyon ng mga ordinaryong mamamayan na pinaka-maaapektuhan ng TRAIN.

Muling binigyang-diin ng kongresista na hindi biro ang epekto ng dagdag na buwis sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Ipinaliwanag nito na bukod sa 12% EVAT, lalo pang paninipisin ng TRAIN ang maliit nang kita ng mga magsasaka, minimum wage workers at iba pang maliliit na sektor sa lipunan.

Ito’y dahil hindi sasapat ang kanilang kita sa mahal na presyo.

Kaya naman giit ni Casilao, mahalaga ang partisipasyon ng ordinaryong mamamayan sa laban sa bagong batas sa dagdag-buwis.

Hindi aniya nila makukumbinsi ang korte na katigan ang petisyon na idiskaril ang TRAIN kung walang suporta ng publiko.

“The struggle to stop the implementation of TRAIN does not solely depend on the filing of the petition but rather on the collective action mostly of ordinary people who will be mostly affected by the new tax law,” sabi ni Casilao. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?