12
views
panadero
By

Publiko hinimok na lumahok sa ‘Federalism Roadshows’

Sharing is caring!

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga Filipino na sumali sa nalalapit na “Federalism Roadshows” at konsultasyon para sa isinusulong na pagbabago sa Konstitusyon patungo sa sistemang federal na pamahalaan.

“Nananawagan kami sa ating mga kababayan na lumahok sa mga talakayan at konsultasyon na isasagawa ng Consultative Committee (ConCom) tungkol sa mga iminumungkahing pagbabago sa ating Konstitusyon,” saad ni DILG Undersecretary for Local Government Austere Panadero.

Kabilang si Panadero sa panelists sa dalawang araw na kumperensya tungkol sa ‘Managing Devolved Transition’ sa Pilipinas na inorganisa ng DILG at ng Forum of Federations, isang international organization na kinabibilangan ng mga bansang federal.

Kasama rin sa okasyon ang mga miyembro ng ConCom na nagrerepaso sa 1987 Saligang Batas.

Sinabi ni Panadero na ngayong malapit nang matapos ng ConCom sa mga iminumungkahi nitong pagbabago sa Konstitusyon, mas lalong dapat na makilahok sa mga diskusyon, ibahagi ang kanilang mga komento upang mabuo ang perpektong modelo ng federalismo para sa bansa.

Ani DILG Assistant Secretary at Spokesman Jonathan Malaya, magsisimula ang “Federalism Roadshows” sa Hunyo 17 sa Dumaguete City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?