76

Dec 18, 2017 @ 20:50
By

Publiko, gugulatin ng taas-presyo sa tax reform – Zarate

Bubulaga sa consumers ang biglaang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa sandaling mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas ang tax reform bill.

Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, dahil walang proteksiyon para sa consumers ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill, tiyak na ramdam ang epekto nito sa halos lahat ng produkto at serbisyo.

“Once implemented, this TRAIN will trigger a price shock against consumers with the spike of prices of oil, power, sugary beverages and other products,” ani Zarate.

“This TRAIN is full of an additional burden to consumers but clearly wanting with measures to protect them,” dagdag ng kongresista.

Binanggit ni Zarate na sa kuryente pa lamang ay magkakaroon ng taas-singil na mula P0.04 hanggang P0.08 per kilowatt-hour.

Dahil dito’y iginiit ng mambabatas na dapat namang magkaroon ng probisyon na nag-oobliga sa lahat ng distribution utilities na idaan sa makatotohanang bidding ang mga kontrata para sa power supply.

Sa ilalim ng TRAIN, papatawan rin ng buwis na P2.50 kada litro ang diesel, P1 per liter sa liquified petroleum gas (LPG) at P7 per liter ang gasolina sa 2018, at itataas pa ito ng P6, P3 at P10 hanggang 2020.

Papatawan rin ng P6 hanggang P12 na buwis ang kada litro ng softdrinks at iba pang sweetened beverages.(Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?