59

Nov 23, 2019 @ 15:59
By

Publiko binalaan sa libreng training, seminar

Pinag-iingat ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lahat sa mga libreng training at seminar.

Sabi ng SEC, dumadami ang nagbibigay ng libreng training at seminar para sa mga online trading na may mga binibida pang local at foreign “experts” na pino-promote sa radyo, TV, dyaryo at sa internet.

“Some of the seminars, unfortunately, serve as a front for illegal offering and selling of unregistered securities by unlicensed brokers,” sabi ng SEC.

Dagdag pa ng komisyon, hindi nito pinapayagan ang registration ng foreign exchange, commodity futures contracts at iba pa dahil suspendido pa rin ito.

Sa investment halimbawa na $100, nagmumukhang malaki agad ito sa trading platform kaya nagkakaroon ng halaga na $1,000 o $2,000 at tila kumita na ang naglagay ng pera.

Dahil dito, marami ang naeengganyo at naglalagay ng maraming pera pero may mga nalugi na at ang kanilang mga lugi ay mas malaki pa sa kanilang inilagay na pera.

Nanawagan ang SEC na ipaalam sa kanilang Enforcement and Investor Protection Department sa telepono 02-8818-6337 ang anumang reklamo tungkol sa mga iligal na pagso-solicit ng investment pati na mga video at voice recording ng mga ganitong aktibidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?