21

Oct 10, 2021 @ 14:39
By

Psychic sa US kinasuhan nang bigong matanggal sumpa

Sinampahan ng kaso ng isang lalaki sa California, USA ang isang manghuhula na sumablay umano sa pagtatanggal ng sumpa sa kanyang pamilya.

Kinilala ang lalaki na si Mauro Restrepo.

Ayon sa ulat ng Fox News, nakita ni Restrepo ang website ng psychic na si Sophia Adams at sinubukang magpahula dito.

Nakita umano ni Adams sa tarot card na malas si Restrepo dahil sa sumpa na inilagay ng kanyang ex-girlfriend na nagpunta rin umano sa isang witch.

Kaya naman, hiningian ni Adams si Restrepo ng $5,100 para matanggal umano ang sumpa sa kanyang buhay at pamilya.

Pahayag ni Restrepo, imbis na makatagpo ng kapayapaan ay gumugulo lalo ang pagsasama niya ng kanyang asawa at nakaranas pa siya ng anxiety.

Kaya’t kinasuhan niya ng fraud si Adams at humihingi ng $25,000 para sa halaga ng danyos. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?