131

By

PSL: UP wala pa ring dungis, Magsarile bumida

Sharing is caring!

Sinikwat ng University of the Philippines – Diliman ang ikalawang sunod na panalo sa Philppine Superliga Collegiate Grand Slam nang talunin ang Colegio San Agustin-Biñan, 25-6, 21-25, 25-16, 25-22, sa Alonte Sports Center, Laguna.

Nanatiling walang talo ang Lady Maroons na tangan ang 2-0 na baraha habang ito naman ang ikalawang sunod na talo ng Lady Patriots.

Sumandal ang UP sa rookie nitong si Nikki Magsarile na pumalo ng 15 puntos sa likod ng 12 attacks at tatlong aces at si Justine Dorog na may 14 puntos sa likod ng 13 attacks at isang ace.

“Sa service naman kasi, ang goal ko lang doon is mapasok ko eh kasi ‘yun lang naman ang purpose ng serve,” wika ni Magsarile.

Sa buong laro bagama’t 31 na unforced errors ng UP ay bumawi naman ito sa dami ng aces na umabot sa 16.

Mapapansin din na hindi kumpleto ang lineup ng Lady Maroons dahil wala sa kanila ngayon si Ayel Estranero at Isa Molde, kaya isang malaking bagay ang pag-angat ni Magsarile.

Para naman kay Dorog, bilang isa sa mga senior ng tropa kailangan aniya nito ng maturity para mas maging maganda pa ang mga ipapakita nito.

“Siguro as one of the seniors din parang kailangan talaga ‘yung maturity and ‘yun nga ‘yung mga instructions ni coach ginagawa lang namin. Though na-fell short kami sa passing namin pero nakaka-adjust naman kami,” sabi ni Dorog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?