73

Dec 21, 2018 @ 18:19
By

PSL trophy perpektong Xmas gift para sa Petron

Nagawang madepensahan ng Petron Blaze Spikers ang kanilang korona sa Philippine Superliga.

Winalis sa tatlong sets ng Blaze Spikers ang do-or-die match nito kontra sa F2 Logistics Cargo Movers, 25-22, 26-24, 25-19, Huwebes sa The Arena sa San Juan.

Kitang-kita na talagang pinaghandaan ng Petron ang huling laro sa Finals dahil ibang klaseng laro ang pinakita ng mga ito, malayo sa kanilang performance noong Game Two .

“Siyempre sobrang thank you kay Lord kasi ang ganda ng binigay Niya sa aming Christmas gift and ginuide Niya kami from the start until the end of conference. Sobrang happy kasi marami kaming pinagdaanan and ‘yung sweep kasi hindi talaga inisip ‘yun eh,” wika ni Petron coach Shaq delos Santos sa post game-interview.

“So, kami kung anong best namin every game ‘yun lang ‘yung gagawin namin.”

Nanguna para sa tropa si Aiza Maizo-Pontillas na pumalo ng 13 puntos habang bumakas naman sa kampeonato si Bernadeth Pons ng 11 puntos.

Simula palang ay gitgitan na ang dalawang tropa para tuluyan ng maselyuhan ang titulo sa conference na ito pero mas nanaig ang angas ng Petron at agad naselyuhan ang set 1.

May pagkakataon sanang maitabla ng Cargo Movers ang laro sa 1-1 dahil hawak na nila ang 24-22 na kalamangan pero nagawang maitabla ito sa 24 dahil na rin sa service error ni Aby Maraño at sa play ni Sisi Rondina.

Tuluyan nagbago ang tempo ng second set ng maka-service ace si Mika Reyes at dito umangat ang Petron 25-24 at sa down the line hit ni Aiza Maizo-Pontillas ay tuluyan na nasungkit ng Petron ang Set 2.

Pagpasok ng third set ay sunod-sunod ang error na tinala ng F2 na agad na nagpaangat sa Petron 5-0 pero agad na nakabawi ang F2 pero matapos ang second technical timeout ay umalagwa muli ang F2 para maipwersa pa sa isang set ang laro pero hindi ito naging sapat at dito na naselyuhan ng Petron ang panalo.

Nanguna sa Cargo Movers sina Cha Cruz-Behag at Ara Galang na pumalo ng 10 puntos habang may anim na puntos naman si Kim Fajardo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?