92

Nov 22, 2018 @ 20:10
By

PSL: Tropa ni De Jesus pinagpraktisan ang Smart

Hindi na pinatagal ng tropa ni coach Ramil de Jesus ang laban, winalis sa tatlong set ang Smart Giga Hitters para ibigay sa F2 Logistics ang 5-2 panalo-talo baraha sa pagpapatuloy ng All-Filipino Conference ng Philippine Superliga sa The Arena sa San Juan Huwebes ng hapon.

“Hindi ako sobrang happy kasi maraming in pain kahit na ma-sweep ko ‘tong first round kapag hindi naman healthy ‘yung team parang nakakatakot din,” wika ni De Jesus.

“Sa tinatakbo naman ng team, okay. ‘Yung result, okay, pero hindi naman dito natatapos sa eliminations. ‘Yung pinaghahandaan mo dun is ‘yung pa-end na ‘yung season.”

Sinandalan ng F2 si Majoy Baron na humakot ng 15 puntos habang bumakas naman ng 10 si Aby Maraño.

Wala ni-isa sa Smart ang tumapos ng double digit at walong puntos ang binigay ni Jerrili Malabanan sa tropa na ligwak sa 2-5 na baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?