197

Nov 8, 2017 @ 11:27
By

PSL suspension kay Soltones wala sa hulog – PVL

Nakakatuliro daw ang desisyon ng Philippine Superliga na bagsakan ng suspensiyon si Grethcel Soltones, ayon sa Sports Vision.

Wala raw kontrata sa PSL si Soltones, bagkus ay ipinahiram lang sa Iriga City team ang dating three-time NCAA MVP.

Ginawang basehan ng PSL ang kanilang one-league policy­, nitong Lunes ay binigyan si Soltones ng one year suspension at pinagmulta ng P50,000.

Dahilan nito ay naglaro ang produkto ng San Sebastian sa Premier Volleyball League All-Star Game.

Sports Vision ang organizer ng PVL.

“The suspension and hefty fine on Soltones by the PSL officials is absurd and totally uncalled for,” anang statement ni Sports Vision president Ricky Palou.

On loan lang sa Lady Oragons si Soltones, ang mother league pa rin daw niya ay ang PVL.

Ang PVL All-Star Game ay one-day charity event daw na para sa HERO Foundation na nanga­ngalap ng scholarship funds para sa mga anak ng sundalong namatay sa pagganap ng tungkulin.

“I don’t see anything wrong with what Grethcel did,” dagdag ni Palou.

“In fact she should be commended for helping in this fund raising event by her partici­pation. (Elech Dawal)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?