65

Oct 30, 2018 @ 19:12
By

PSL: Petron pinagpraktisan ang Cocolife

Pinatunayan ng Petron Blaze Spikers kung bakit sila ang defending champion ng All-Filipino Conference ng Philippine Superliga (PSL).

Pinadapa ng Blaze Spikers ang Cocolife Asset Managers sa tatlong magkakasunod na sets, 25-18, 25-15, 25-18, Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nanguna para sa Petron si Aiza Maizo-Pontillas na may 14 puntos, 10 attacks at tatlong aces katuwang si Ces Molina na pumalo ng 10 puntos, walong attacks at dalawang blocks

“Siyempre happy, thank you kay Lord. Hopefully mas maging consistent pa ‘yung laro namin eh, medyo nag-struggle rin kami especially nung third set. Buti na lang maganda ‘yung habol namin,” wika ni Petron coach Shaq delos Santos.

Para naman kay Ces Molina masaya siya na three straight sets nila nakuha ang panalo kontra Cocolife pero hindi aniya ito naging madali at marami pa aniya silang dadaanan.

“It’s a great game for us, straight sets namin nakuha pero hindi ganoon kadali marami pa kaming dadaanan. First game pa lang ‘to and still adjusting kami sa All-Filipino,” sabi ni Molina.

Sa unang dalawang set ng laro ay agad umalagwa ang Petron ay agad na kinuha ang laro lalong-lalo na noong second set na tanging 15 puntos lang ang naitala ng Asset Managers pero nagbago ang ikot noong ikatlong set.

Sa ikatlong set, nagawang makabawi ng Asset Managers ng sa unang mga minuto ay nakalamang ito ng 6-1 pero agad bumawi ang Blaze Spikers at natapyas nito ang kalamangan at nagpatuloy ito hanggang sa maselyuhan ang laro.

Naging problema rin ng Cocolife ang 27 errors ang kanilang naitala at 27 libreng puntos naman ito para sa kalaban.

Nanguna sa Cocolife ang bago nilang recruit na si Kalei Mau na may 13 puntos habang anim na puntos naman ang ambag ni Arianna Angustia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?