177

Oct 2, 2018 @ 22:12
By

PSL: Nabor, Soltones ikokonekta ang PLDT

Balik sa bakuran ng Philippine Superliga (PSL) ang PLDT sa pagbubukas ng All-Filipino Conference sa Oktubre 30.

Mismong si PSL chairman Philip Ella Juico ang nagsabing kinumpirma ng PLDT ang pagbabalik sa liga bilang isa ito sa walong koponang sasabak sa prestihiyosong women’s volleyball league sa bansa.

Magsasanib-puwersa ang PLDT at Smart sa pangunguna ni veteran mentor Roger Gorayeb.

Kasama sa line-up sina national team member Jasmine Nabor at Gretchel Soltones katuwang sina Aiko Urdas, Alyssa Eroa, Angel Cayuna, Czarina Carandang, Jerilli Malabanan, Jorelle Singh, Celine Domingo, Lizlee Anne Pantone at Lou Ann Litagay.

“After a almost five years, PLDT is finally coming home,” saad ni Juico, dating chairman ng Philippine Sports Commission at presidente ng Philippine Athletics Track and Field Association.

Isa ang PLDT sa mga pinakaaabangan ng tropa sa liga na tumapos ng ikalimang pwesto sa inaugural conference at umabante sa semifinals ng Grand Prix katuwang ang mga reinforcement na sina Kaylee Manns at Savannah Noyes mula Amerika.

Lumahok din ito sa All-Filipino Conference sa pangunguna nina Sue Roces, Maruja Banaticla, Jem Ferrer, Latigay at Patone bago lumipat sa Shakey’s V-League, na ngayon ay Premier Volleyball League (PVL) na, at nanatili dun sa ilalim ng PayMaya.

Ngayon ay nagpasya ang tropa na muling bumalik sa liga at subukang makipagsabayan sa Petron, F2 Logistics, Foton, Generika-Ayala, Sta. Lucia Realtor, Cocolife at sister team Cignal HD.

“The players of PLDT have been together for quite some time. We expect them to hit the ground running and give the big guns of the PSL a serious run for their money,” pagtatapos ni Juico.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?