142

Oct 25, 2018 @ 17:29
By

PSL: Meneses, Generika walang atrasan

Malaki ang kumpiyansa ngayon ng Generika-Ayala Lifesavers sa pagsisimula ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference.

Ayon kay head coach Sherwin Meneses, tapos na aniya ang adjustment period ng kanyang tropa at ngayon na ang tamang oras para makipagsabayan para makuha ang titulo sa prestihisyosong liga sa bansa na suportado ng Isuzu, Sogo, Senoh, Asics, Mikasa, Mueller, UCPB Gen, Bizooku and Genius Sports.

Sinabi rin ni Meneses na wala silang dinagdag sa kanilang line-up pero abangan aniyang ang pagbabalik ng kanyang mga manlalaro na sina Angeli Araneta, Marivic Meneses, Mikaela Lopez, Fiola Ceballos at Patty Orendain.

Makakasama rin sa tropa ang mga libero na sina Kat Arado at Bia General at sina Bang Pineda, April Hingpit, Carol Cerveza, Laizah Bendong, Sheeka Espinosa, Marlyn Llagoso at Jamie Lavitoria.

“The adjustment period is over and it’s now time for us to come up with the result,” wika ni Meneses na umaasa na makatungtong sa semifinals ng liga. “We had a great off-season and our chemistry had improved. I hope we can carry the momentum all the way to the All-Filipino Conference.”

Magsisimula ang liga sa Oktubre 30 sa FilOil Flying V Centre habang ang pormal na opening ceremony ay gaganapin sa Nobyembre 3 sa Ynares Sports Center.

Magkakaroon ng Fan’s Day ngayong Linggo sa Taguig Lakefront Community Park Lower Bicutan, Taguig City.

Mula nang palitan ni Meneses si dating national team head coach Francis Vicente para pangunahan ang Lifesavers, nagkaroon lamang ng konting oras ito para maghanda at nadala niya ang tropa sa seventh-place sa Grand Prix at fifth-place sa Invitational Conference.

“Since the time I assumed, we’re improving every conference. Our team is very motivated to make it to the semifinals this time. There’s no more excuse since we have been together for one whole year. So, it’s now time to play hard and deliver the result,” wika nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?