53

Feb 29, 2020 @ 20:58
By

PSL: Majoy nahirang na ambassadress

Itinalaga si Majoy Baron bilang Philippine SuperLiga (PSL) brand ambassadress para sa 2020 season.

Ang bagong career ngayon ni Majoy ay kasunod na rin ng colorful campaign nito sa nakaraang season bukod pa sa kanyang overall growth kaya siya ang top choice para sa nasabing prestihiyosong posisyon na ang layunin ay bigyang inspirasyon ang mga batang manlalaro.

Ang 24-anyos na middle blocker mula sa F2 Logistics ay ikatlo nang player na nahirang bilang ambassadress kasunod nina Mika Reyes noong 2016 at Aby Maraño noong 2017.

“I’m very humbled to be standing in front of you. First of all, I would like to thank Philippine SuperLiga for choosing me as the new ambassadress, ” pahayag ni Majoy sa opening ceremony ng PSL Grand Prix 2020.

“PSL has helped me grow as a person, as an athlete. It’s such an honor to be playing in such a high, competitive league such as this PSL. [It helped me] be the player I am today,” pasasalamat pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?