13
feu-lady-tamaraw
By

PSL: Ebon matinik na rookie, FEU diniretso ang La Salle-Dasma

Sharing is caring!

Sa unang paghampas ng Far Eastern University sa Collegiate Grand Slam ng Philippine Superliga, pinadapa nila ang De La Salle University-Dasma, 25-21, 25-16, 25-11, nitong Sabado sa Alonte Sports Center sa Laguna.

Nagulat ang Lady Tamaraws, na nagawang maibaba ng Lady Patriots ang anim na puntos nilang kalamangan sa dalawa, 23-21, pero agad ng sumagot si Lycha Ebon at dahil sa error ng DLSU-D ay naselyuhan ng FEU ang unang set.

Nagtuloy-tuloy ang pagdomina ng FEU sa laro hanggang sa tuluyan nitong pinadapa ang Lady Patriots.

Bagama’t isa sa mga rookie ang kapitan na si Ebon, ay hindi naman ito nagpakita ng kaba para maipakita niya ang magandang laro.

“Actually po meron talaga pero hindi lang po ako nagpahalata para maibigay ko po ‘yung best ko sa loob ng court,” wika ni Ebon na may 12 puntos sa likod ng 11 attacks at isang ace.

Para naman kay FEU coach Rey Diaz, isang magandang karanasan aniya ang makukuha ng kanyang tropa na halos 80 percent ay puro rookie.

“Siyempre, the goal pa rin is to win. Kailangan maipakita pa rin nila ‘yung mga tina-trabaho namin sa training,” sabi ni Diaz.

Nanguna naman para sa DLSU-D si Rain Ramos na may pitong puntos habang anim na puntos naman ang ambag ni Mara Galicia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?