77

Jan 23, 2020 @ 17:22
By

PSL: Bokan lalagare para sa Chery Tiggo

Handa nang ibandera ng Chery Tiggo Crossovers — dating Foton Tornadoes Blue Energy — para sa Philippine SuperLiga Grand Prix ngayong Pebrero ang kanilang Montenegrin reinforcement na si Tatjana Bokan.

Sa social media accounts ng Crossovers, ipinakita ng mga ito ang pagdating sa bansa ng veteran hitter na sinalubong nina head coach Aaron Velez at team manager Diane Santiago.

“The long wait is over! Welcome to the Philippines and welcome to the Team, Tatjana “Tanja” Bokan!” caption sa post.

Ilan sa mga bansang nilaruan ni 6-foot-1 spiker Bokan ay Serbia, Italy, France, Japan at Indonesia.

Makakasama ng 31-year-old outside hitter sa koponan sina new addition Mylene Paat, Jasmine Nabor, Jannine Navarro, Joy Dacoron, Rachel Austero at Ria Duremdes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?