56

Oct 18, 2018 @ 17:42
By

PSL All-Filipino Conference: F2, Petron, Cignal liyamado

Pagkalipas ng tatlong buwang pahinga, muling papalo ang Philippine Superliga (PSL) sa bago nitong season na All-Filipino Conference ngayong Oktubre 30 sa FilOil Flying V Centre.

Pinakilala na ng pamunuan ng PSL ang mga koponan na sasabak sa bagong season nito sa ginanap na press conference Huwebes, Oktubre 18, sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan.

Lalahukan ito ng mga dati nang koponan at muling pagbabalik ng Smart sa pangunguna ni multi-titled mentor Roger Gorayeb.

“Lahat naman ‘yan team to beat. Sa salitang tagalog wala kang memenusin diyan. Kailangan mong paghandaan,” wika ni Gorayeb.

Ayon sa mga coach, pantay-pantay ang bawat koponan at wala raw nakakaangat pero para kay Cocolife coach Moro Branislav, ibabaw ang F2, Cignal at Petron.

“In my opinion the best three teams are Petron, F2 Logistics at Cignal,” wika ni Branislav.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?