104

By ,

PSL: Alessandrini, Laure kinarga ang UST

Binuhat nina Milena Alessandrini at Eya Laure ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa ikatlong panalo sa Philippine Superliga Collegiate Grand Slam.

Pinadapa ng Golden Tigresses ang Far Eastern University Lady Tamaraws sa apat na set, 25-16, 13-25, 25-17, 25-15, Sabado sa Caloocan Sports Complex.

Pumalo ng 24 puntos si Alessandrini mula sa 13 attacks, siyam na aces at dalawang blocks habang bumakas naman si Laure ng 20 na puntos, 14 attacks, tatlong aces at dalawang blocks.

“Lumabas ‘yung mga nate-training namin. Lahat nung tinuturo ni coach naa-apply namin as a team,” wika ng rookie na si Laure.

Dinomina ng UST ang service department nang pumalo ito ng 15 aces kumpara sa pito lang ng FEU. Anim dito ay mula kay Alessandrini.

Pumalo ng 12 puntos si Angel Cayuna para sa FEU na tangan na ngayon ang 1-1 na baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?