15

By ,

PSL: Aganon siga ng Foton

Sharing is caring!

Magandang simula ang pinapakita ngayon ng Foton Tornadoes Blue Energy kahit wala ang dalawa nitong superstar na magkapatid na Dindin Manabat at Jaja Santiago.

Minarkahan ng Foton ang ikatlong sunod na panalo sa Philippine Superliga All-Filipino Conference matapos nitong padapain sa apat na set ang Sta. Lucia Lady Realtors, 25-14, 25-21, 19-25, 25-13, Huwebes sa FilOil Flying V Centre.

Muling inasahan ni coach Aaron Velez sina Mina Aganon na pumalo ng 19 na puntos, sa likod ng 17 attacks at Arriane Layug na may 17 puntos, sa likod ng 15 attacks at dalawang aces.

“I’m really happy, satisfied but not yet contented because day to day ‘yung nakikita ko sa personality nung mga bata, slowly maganda na ‘yung response,” wika ni coach Velez.

Tangan ang kumpiyansa dahil angat ng dalawang sets, bigo pa rin ang Foton na maselyuhan ang laban sa tatlong sets at nasungkit ito ng Sta. Lucia para maipwersa ang fourth set.

Sa pagpasok ng fourth set, dito muling bumangon at bumawi ang Foton at dinomina nang husto ang Sta. Lucia dahil sa maganda nitong service at play na nagpatumba sa kalaban.

“I think it’s also a good test also for us how we can able to come back after a down set. We just trained about two months, so we’re still looking for the good chemistry,” dagdag nito.

Patuloy naman ang pagbagsak ng Lady Realtors na muli na namang natalo at bitbit na ngayon ang 0-3 na win-loss records.

Nanguna para sa Sta. Lucia si Jhoana Maraguinot na may 11 puntos sa likod ng 10 attacks at isang ace.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?