By

PSG chief, nag-sorry sa Malacañang reporters dahil sa tauhan na paranoid

Sharing is caring!

Humingi ng dispensa ang hepe ng Presidential Security Group (PSG) sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC) na pinagbawalang makapasok sa Malacañang kaninang umaga.

Sinabi ni PSG Chief Brigadier General Louie Dagoy, nagkaroon lamang ng hindi pagkakaintindihan sa paghihigpit dahil naka-red alert ang Malacañang complex at nataong holiday kaya isinasara ang buong Malacañang.

Mayroon aniyang mga bantang natatanggap at ayaw niyang may mangyari habang wala sa Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Meron lang misunderstanding diyan. Kasi red alert tayo and then holiday, so sinasara talaga ‘yung buong Palasyo. Kinausap ko na si Col. Camba na kausapin kayo at huwag ipagbawal.

“Mga paranoid ‘yung mga sundalo ko, pagpasensiyahan na ninyo, kapag nakakita ng mga alanganin iyan e, naniniguro lang ang mga ‘yan, ‘di bale ng…kaysa may mangyari na wala silang nagawa, parang ganoon,” ani Dagoy.

Ipinaalala ni Dagoy ang insidente noong binastos ng Rappler reporter ang isang miyembro ng PSG na epekto ng insidente at ayaw nilang mangyari ulit pero nasobrahan lang kaya humingi ito ng dispensa.

Nakiusap si Dagoy sa MPC na kapag holiday ay mag-abiso sa PSG kung papasok ang mga ito sa Malacañang dahil sila ang in-charge sa security ng buong Malacañang Palace.

Kabilang sa mga hindi agad pinapasok ay ang crew at reporter ng PTV-4 na government station, dzmm, dzec, at ilan pang reporters na patungo sa New Executive Building.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?