71
psc
Oct 15, 2017 @ 15:59

PSC Women Sports Fest 2017, matagumpay

Matagumpay na naisagawa kahapon ng umaga ang nilahukan ng 150 na Philippine Sports Commission (PSC) Women in Sports-Women Sports Festival 2017 Aquathlon sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Kabilang sa mga naging kalahok ang isang balingkinitang abogada; ang Cebuana na si Bernadeth Bisoc, na nakabase sa Malate, Manila na tumersera sa short distance 1 300-meter swim, 1.2-kilometer race 30-39 age group sa clocking na 17 mins. at 39 secs. sa likuran ng primera’t segundang sina Jaya Ladyong at Gracey Madel Loiz.

Gold-silver-bronze medalists sa 13-19 age level sina Karina Salazar, Alison Noble at Justine Aco; top three winners sa 20-29 sina Jacklyn Juico, Gabrielle Ventura at Tristine Ann Badong; habang 1-2-3 sa 40-over sina Bonita Mendoza, Mercedes Mercado at Bernadine Ong.

Kabilang sa mga kinuwintasan naman ni PSC WIS Oversight Commissioner Fatima Celia Hicarte Kiram at ng kanyang Executive Assistant na si Judith Laygo ng mga ginto, pilak at tansong medalya sa short distance 2 (600m, 2.1km) ang 16-19 yrs. old na sina Martina Janelle Villanueva Danielle Marie Santiago at Mariana Maxie Hernandez. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?