233

Dec 22, 2017 @ 17:50
By

PSC tabla-tabla muna sa Karatedo

Sinuspinde ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat ng posibleng maibibigay na suporta habang binalaan din ang mga opisyales at coaches ng Philippine Karatedo Federation (PKF) na makipag-usap sa mga nagrereklamong atleta habang nag-iimbestiga ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggi dito.

Sa pahayag ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez kasama ang apat nitong commissioner na sina Arnold Agustin, Fatima Celia Kiram, Charles Raymond Maxey at Ramon Fernandez ang desisyon matapos pormal na simulan ng NBI ang pagbusisi ng katotohanan sa mga nagreklamong walong atleta.

“The PSC Executive Board, acting on provisions on its Section 3 of the Republic Act 6847 or law creating the agency, has decided to suspend all assistance to PKF, while restricting all the concerned coaches to come near or either talk to the athletes,” paliwanag ni Ramirez.

Una nang kinausap ni Ramirez si NBI Director Dante Gierran upang hingan ng tulong sa mabilis na imbestigasyon hinggil sa reklamo ng walo sa 12 atleta na nagtungo upang magsanay at lumahok sa ilang torneo ng asosasyon sa Germany subalit hindi naibigay ang dapat na makuhang US$1,800 na allowance.

Nakausap na rin ng dalawang ahente ng NBI ang dalawang atleta habang nakatakda pa nito kunan ng pahayag ang natitirang anim upang pormal na makunan ng kanilang mga pahayag.

Aalagaan naman at patuloy na susuportahan ng PSC ang mga pambansang atleta para sa kanilang patuloy na pagsasanay at paghahanda para sa posibleng pagkakasama sa Asian Games at paglahok sa mga qualifying tournaments para sa 2020 Olympic Games.

“We had already created a policy before, na isang tao from our part will take care of the NSAs na may problema, para siyang mag-asikaso sa mga liquidation at reimbursement” paliwanag ni Ramirez. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?