7

Jun 15, 2021 @ 10:04

PSC putol suporta sa mga atletang may sponsor

Mapipilitan ang Philippine Sports Commission (PSC) na tapyasin ang kanilang financial support sa ilang atleta at national sports association (NSA) dahil sa kakapusan ng pondo.

Sa report ng Inquirer, binahagi ni PSC commissioner Ramon Fernandez na hindi na sapat ang kanilang pondo para sa libo-libong atleta, kasama pa ang mga coach.

Ayon kay Fernandez, nabawasan ang kanilang natatanggap na remittance mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Dumami din ang mga kinailangang suportahan na NSA na lumobo na sa 61.

Kaya naman puputulin ng PSC ang kanilang suporta para sa mga atleta na may sariling private sponsor at ibibigay na lang ito sa ibang atleta na salat sa suporta.

Bubuhos din ang PSC sa mga atleta na may tsansang makipagsabayan abroad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?