95

Oct 21, 2017 @ 18:55

PSC: The President believes in Filipino youth!

May dalawang pangunahing layunin ang 11th Philippine National Youth Games-Batang Pinoy Championships 2017 Luzon Qualifying Leg sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinaabot ang mensahe ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Raymond Maxey, humalili kay PSC Chairman William Ramirez na may meeting kay Pres. Duterte sa Malacañang, sa opening remarks ng weeklong 15-&-under sports meet sa Pres. Elpidio Quirino Sports Complex sa Vigan City sa makasaysayang lalawigang ito.

“The President believes in Filipino youth. Gusto niya na ang mga kabataang Pilipino ay maging matapang, may disiplina, makapag-aral, magsanay na maging magaling, at higit sa lahat, may malasakit sa kapwa at mahal ang bayang Pilipinas,” wika ni Maxey sa Quirino Grandstand na umani ng masigabong palakpakan sa may 5,652 athletes, 702 coaches at 361 officials/staffs ng 124 local government unit participants.

Hinirit ni Comm. Maxey: “Dito sa programa ng PSC na Batang Pinoy hinahanap namin ang mga pinakamagagaling na atleta at coaches para maging mga susunod na idolo at pambansang inspirasyon ng kabataang Pilipino sa larangan ng sports.”
Giniit din niyang pantay na susuportahan ang grassroots development program nila gaya sa elite sports.
Pinasalamatan din niya ang mga magulang ng mga batang kalahok dito at ang mga local official sa pangunguna nina host Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson at Vigan Mayor Juan Carlo Medina. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?