89

Dec 22, 2017 @ 14:19

PSC palalakasin ang sports sa Mindanao

Palalakasin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang mga nakalinyang programa sa Mindanao.

Ayon kay PSC commissioner Charles Raymond Maxey sa ginanap na Davao Sportswriters Association (DSA) Forum sa Hukad sa SM City Davao Annex, kabilang sa programa nila na palakasin ang Mindanao Children’s Games at buhayin ang Mindanao Friendship Games, sa report ng SunStar.

Ang Mindanao Children’s Games ay nilikha ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na layong mapalakas ang sports sa mga kabataan sa Mindanao.

Nakatakda umano nilang bisitahin ang Mati City, Kidapawan City at ilan pang siyudad na hindi pa nila napupuntahan kabilang na ang Marawi City.

Huling isinagawa ang kompetisyon noong 2008.

Nakalista ang 12 events na paglalabanan kabilang na ang athletics at swimming.

Ikakasa rin nila kung sakali ang diving at open diving competition kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Dabaw Sports Festival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?