11

By

PSC, NEDA kaisa sa PH Sports 2040

Sharing is caring!

Pagtutuunan ng Philippine Sports Commission (PSC) na mas lalo pang mapalawak, mapaangat ang kalidad at mapaganda ang sports sa bansa sa pakikipagtulungan sa National Economic and Development Authority (NEDA) para sa hinahangad na pagbabago at pagsulong ng Philippine Sports 2040.

Nakipagpulong si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez kamakalawa kay NEDA Undersecretary Rolando Tungpalan kasama si Executive Director Merly Ibay kung saan napag-usapan ang mahalagang parte ng ahensiya sa inaasam na matamo para sa bansa sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022.

“We initially discuss the future of Philippine Sports 2040,” bulalas ni Ramirez. “They wanted us to be part of how sports will help in the economic and development of our country,” paliwanag pa ng 2-time PSC chairman.

Ang PDP 2017-2022 ang unang medium-term plan na nakatuon sa 0-10 point Socioeconomic Agenda at sa Ambisyon Natin 2040 na rito’y ipinapakita ang kolektibong hangarin ng mga Filipino para sa isang matatag, maginhawa at panatag na buhay para sa lahat.

Nakasalalay din sa plano ang international commitment ng bansa para sa 2030 Sustainable Development Goals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?