8

Jul 20, 2021 @ 12:10
By

PSC chairman kumpyansa sa Pinoy athletes sa Olympics

Tiwala si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics ay kayang maguwi ng medalya para sa bansa.

“The 19 athletes we have, sa pananaw ko, this is the strongest and most prepared,” wika ni Ramirez sa isang online press conference nitong Lunes.

Aniya, P2 bilyon ang ginastos ng PSC mula sa pondo ng bayan para sa paghahanda ng mga atleta kaya naman umaasa siya na masusuklian nila ito ng medalya.

“That’s why malaki ang expectations ng taong bayan kasi people’s money ang nagastos diyan. At hindi lang maliit na pera, but that is the way to prepare the athletes,” dagdag pa ng PSC chairman.

Umaasa rin si Ramirez na bukod sa pagwawagi ng medalya ay magiging ligtas ang 19 na pambato ng bansa, maging ang buong delegado mula sa banta ng COVID.

“Going there is not a fiesta, it’s a high risk. I’m praying and hoping that none of the athletes get infected. It’s not easy going, I’m monitoring,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?