38

Feb 3, 2020 @ 11:06
By

PSA President’s award igagawad kay Yulo

Pinamalas ni Carlos Edriel Yulo ang isa sa mga pinakamatagumpay na panalo ng Piipinas sa sports sa nakalipas na taon.

Nagtala ng kasaysayan ang maskuladong 19-anyos na tubong Maynila matapos magwagi ng medlyang ginto sa men’s floor exercise ng 49th World Artistic Gymnastics Championships 2019 sa Stuttgart, Germany noong Oktubre 4-13.

Ang senaryo ay naglagay sa kanya bilang unang Pilipino at Southeast Asia gymnast na nagwagi ng ginto sa world stage.

Naging kambal na tagumpay para sa 4-foot-11 national athlete dahil nakasungkit din siya ng 2020 Tokyo Olympics slot nang lumagak na ika-18 sa individual all-around sa Stuttgat.

Huling kinumpleto ni Yulo ang taong 2019 sa pagsisilbi bilang isa sa mga pangunahing liwanag sa Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games nitong Disyembre.

Nanalo siya ang dalawang ginto at limang pilak upang tulungan ang host PH na masungkit sa ikalawang pagkakaktaon ang overall title sa 11-nation, 12-day sportsfest, una noong 2005.

Dahil sa paggiya nito sa PH gymnastics sa tugatog ng tagumpay at pagbibigay sa bansa sa pretihiyo at dangal sa sports, si Yulo ang gagawaran ng President’s Award sa gaganaping SMC-Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Makakasama ng batang gymnast ang elite list ng personahe na unang binigyan ng natatanging parangal mula sa sportswriting community ng katulad na award, kabilang sina Manuel V. Pangilinan, ang multi-titled National University Lady Bulldogs team, billiards champions Rubilen Amit at Dennis Orcollo, pati si slalom racing champ Milo Rivera.

Ang nagawa ni Yulo na maitatala sa kasaysayan ng Philippine sports at isa na inaasahang tatagal kaya walang ibang personahe ang nararapat sa award kundi ang bata, ayon kay PSA president at Manila Bulletin sports editor Tito S. Talao.

Nasungkit muli ng Team Philippines ang SEA Games overall crown kung saan malaki ang naging parte ni Yulo, na kikilalanin din para sa Athlete of the Year, award na ibinibigay lang ng mga bumubuo sa pinakamatagal nang media organization sa bansa sa gala night na ipiprisenta ng MILO, Philippine Sports Commission (PSC), Cignal TV, Philippine Basketball Association (PBA), at Rain or Shine.

Ang Athlete of the Year at President’s Award ay dalawa lang sa mga tropeo na igagawad ng PSA para sa mga pangunahing personalidad at ibang kasamahan na nagbigay nang memorableng taon sa PH sports nitong 2019.

Ang iba pang special award na ipamimigay ay ang Executive of the Year, National Sports Association of the Year, Lifetime Achievement, Ms. Basketball, Mr. Volleyball, Ms. Golf, Mr. Football, agCoach of the Year.

Igagawad din ang mga Major Award, Tony Siddayao Awards, MILO Junior Athletes Award, at citations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?