17

Jun 20, 2021 @ 10:31

PSA: Namatay sa COVID pandemic mas kaunti kumpara 2019

Aabot lamang sa 1.5 percent ang nasawi sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga namatay sa Pilipinas para sa taong 2020.

Sa ulat ng PSA, sa 613,267 na namatay sa bansa noong nakaraang taon, 9,244 dito ang nasawi dahil sa COVID-19 batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Ang bilang din ng nasawi noong 2020 ay mas mababa kumpara sa 620,414 deaths noong 2019.

258 naman ang bilang para sa sa pinakamaraming nasawi sa isang araw dahil sa COVID-19.

Sa NCR, 84,331 ang namatay, mas mataas naman kumpara sa 78,604 sa nagdaang taon.

15 sa 17 siyudad sa Metro Manila ang nagkaroon ng pagtaas sa bilang ng nasawi, pinakamalaking pagsirit ay sa San Juan City na tumaas ng 18.2 percent.

Sa kabuuan, sa Quezon City may pinakamaraming nasawi sa 18,447, sinundan ng Maynila (12,807) at Caloocan (10,172).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?